MENU

DPE ADV 010 2025DPE ADV 010 2025 2


Inaanyayahan ang lahat ng mga registered Filipino overseas voters sa Bansang Qatar na mag-enroll sa COMELEC portal para makalahok sa makasaysayang online voting sa #Halalan2025.

May tatlong paraan para makapag-enroll: una, self-enrollment gamit ang mobile phone, laptop, o desktop sa COMELEC enrollment portal; ikalawa, pagtungo sa enrollment kiosk sa Pasuguan kung mahina ang Internet sa bahay o may technical issues sa mga gadgets; at ikatlo, pagtungo sa alin man sa mga field enrollment activities na gagawin ng Pasuguan sa mga susunod na linggo.

Tandaan, tanging mga overseas Filipino lamang na (1) naka nakapagrehistro at (2) nakapag-enroll ang maaaring bumoto sa #Halalan2025. Tiyakin ninyo kung kayo ba ay registered voter at nasa Certified List of Overseas Voters (CLOV) at maaring magpa-enroll para makalahok sa #Halalan2025 online voting.

Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa COMELEC.