Embassy of the Republic
of the Philippines in Doha
Building No. 6, Street No. 549
Zone No. 66, Doha, State of Qatar
Consular Services Hours:
Sunday to Thursday, 7:00 a.m. to 3:00 p.m.
EMBASSY NEWS
ANNOUNCEMENTS
DOHA 12 Agosto 2024 — Kilalanin si Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, sa pamamagitan ng kanyang mga tulang pinamagatang “Mga Laruan” at “Ang Laya ay Hindi Layaw.” Maaaring mas kilala niyo rin siya sa kaniyang alyas na Rio Alma.
Bilang background ng mga tula, itinatampok rin ang iba’t ibang nakabibighaning lugar sa Pilipinas. Nakikilala mo ba ang mga gusali na ito? Ito ang makasaysayang Manila Clock Tower na makikita sa Gusaling Panlungsod ng Maynila. Sa susunod na larawan, makikita ang Pambansang Museo ng Pilipinas at ang Pambansang Museo ng Likas na Kasaysayan na matatagpuan rin sa Maynila.
Abangan ang susunod na makatang itatampok sa 15 Agosto 2024. Sunod nating mababasa ang mga tula ni Marne Kilates sa wikang Bikolano!
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa sa lahat!
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang dohape.dfa.gov.ph, facebook.com/PHinQatar, o instagram.com/phinqatar.
DOHA 09 Agosto 2024 — Malugod na iniimbitahan ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (DFA) at ng Pambansang Komisyon ng Pilipinas para sa UNESCO (UNACOM) ang lahat sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto.
Nakikiisa ang DFA at UNACOM sa Komisyon sa Wikang Filipino sa paggunita ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino, Wikang Mapagpalaya”. Kilalanin natin ang mahalagang tungkulin ng wika sa pag-uunawa at pakikiisa sa diwa at damdamin ng bawat isa na siyang makapagbibigay daan sa malayang pagpapahayag at pagtatagumpay ng sambayanan.
Bawat salita at kuwentong ibinabahagi natin sa isa’t isa ay naglalaman ng ating diwa at damdamin; bilang koleksyon ng mga salita at kuwento ng mamamayan, ang wika ay may kakayahang kumatawan sa ating kasaysayan, kultura, pagpapahalaga, at paniniwala.
Sa buwang ito, nais ng DFA at UNACOM na itampok ng ilang tanyag na mga makatang sumusulat sa wikang Tagalog, Bicol, Kapampangan, at Cebuano, upang ipakilala ang angking galing ng Pilipinong manunulat at ang kariktan ng iba’t ibang wika ng Pilipinas.
Iniimbitahan rin ang lahat na palayain ang isip at diwa sa pamamagitan ng pagsulat ng sariling tula at mensahe gamit ang ating wikang pambansa o isa sa higit isang daang wika sa bansa. Ibahagi sa Social Media at gamitin ang mga hashtag: #MapagpalayangDFA #DFASumusulong #BuwanngWikangPambansa2024
Mabuhay ang Wikang Pilipino!
Antabayanan ang mga susunod na paskil sa dohape.dfa.gov.ph, facebook.com/PHinQatar, o instagram.com/phinqatar.
DOHA 08 August 2024 — The Embassy of the Republic of the Philippines in the State of Qatar joins in the commemoration of the 57th founding anniversary of the Association of Southeast Asian Nations or ASEAN.
This year’s #ASEAN57 celebration bears the theme, “Connected and Resilient Community.”
ASEAN was founded on this day 57 years ago to promote the economic, social, and cultural development of the region through cooperative programs in order to safeguard the political and economic stability of the region, and to serve as a forum for the resolution of intra-regional differences.
In the Philippines, Proclamation No. 282 (series of 2017) declares the month of August of every year as “ASEAN Month” to recall the establishment of ASEAN and underscore its significance.
For more information, visit dohape.dfa.gov.ph, facebook.com/PHinQatar, or instagram.com/phinqatar.
DOHA 03 Agosto 2024 — Kaisa ang Pasuguan ng Pilipinas sa Doha, Qatar, sa pagdiriwang ng buong bansa sa Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto.
Sa taong 2024, ang Buwan ng Wikang Pambansa ay may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya.” Sinasalamin nito ang napakahalagang gampanin ng wika bilang lunsaran ng pagpapalaya mula sa karahasan sa kaisipan, kamalayan, kahirapan, katayuan, at kamangmangan.''Salaysay ng Bayan, Saysay ng Bansa" naman ang tema ng Buwan ng Kasaysayan na naglalayong itampok ang kahalagahan ng kasaysayang pampook bilang mahalagang salik sa pagbubuo ng pambansang kasaysayan. Kapag inilagay natin ang ating mga sarili sa konteksto ng ating mga pook na tinitirhan, pinag-aaralan, o pinagtatrabahuhan, lalo tayong napapalapit sa ating nakaraan at sa mga aral na nais nitong ituro sa atin.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang dohape.dfa.gov.ph, facebook.com/PHinQatar, o instagram.com/phinqatar.