Embassy of the Republic
of the Philippines in Doha
Building No. 6, Street No. 549
Zone No. 66, Doha, State of Qatar
Consular Services Hours:
Sunday to Thursday, 7:00 a.m. to 3:00 p.m.
EMBASSY NEWS
ANNOUNCEMENTS
ADVISORIES
Inaanyayahan ang lahat ng mga registered Filipino overseas voters sa Bansang Qatar na mag-enroll sa COMELEC portal para makalahok sa makasaysayang online voting sa #Halalan2025.
May tatlong paraan para makapag-enroll: una, self-enrollment gamit ang mobile phone, laptop, o desktop sa COMELEC enrollment portal; ikalawa, pagtungo sa enrollment kiosk sa Pasuguan kung mahina ang Internet sa bahay o may technical issues sa mga gadgets; at ikatlo, pagtungo sa alin man sa mga field enrollment activities na gagawin ng Pasuguan sa mga susunod na linggo.
Tandaan, tanging mga overseas Filipino lamang na (1) naka nakapagrehistro at (2) nakapag-enroll ang maaaring bumoto sa #Halalan2025. Tiyakin ninyo kung kayo ba ay registered voter at nasa Certified List of Overseas Voters (CLOV) at maaring magpa-enroll para makalahok sa #Halalan2025 online voting.
Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa COMELEC.
Inaanyayahan ang mga nais maging accredited mass media entities, election observers, at civil society partners para sa darating na #Halalan2025 na maghain ng kani-kanilang application sa Pasuguan ng Republika ng Pilipinas sa Bansang Qatar.
I-download lamang ang Accreditation Application Form at ipadala sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. mula ngayong araw hanggang 03 Abril 2025.
Maging katuwang at kabalikat ng Pasuguan sa payapa at matiwasay na pagdaraos ng makasaysayang halalan ngayong Abril at Mayo.
Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa COMELEC.
Inaanyayahan ang lahat ng mga rehistradong botanteng Pilipino sa Bansang Qatar na makilahok sa makasaysayang pagdaraos ng online voting sa darating na #Halalan2025.
Mag-enroll, mag-test vote, at bumoto — ganyan lang kasimple.
Magsisimula ang enrollment period sa 20 Marso 2025 at magtatagal hanggang 07 Mayo 2025. Subaybayan ang mga susunod na anunsyo sa pahinang ito para sa link sa enrollment portal.
Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa COMELEC.
Registered Filipino overseas voters in the State of Qatar may vote online in the 12 May 2025 elections.
To participate, you must be pre-enrolled as an online voter. Pre-enrolment for online voting via the COMELEC Voting Portal is from 10 March to 07 May 2025.
The 30-day overseas voting period is from 13 April 2025 until 12 May 2025, at 7:00 p.m. (Manila time; 2:00 p.m. Qatar time).
For more information, visit the COMELEC Office for Overseas Voting PH.