Alamin kung paano mag-enroll at bumoto ang isang Overseas Filipino ngayong Halalan2025.
Visit the following Commission on Elections (COMELEC) sites:
- infographic on how to enroll and vote
- detailed infomercial on internet voting
Exercise your right to vote. Let your voice be heard and counted.
Check out our Frequently Asked Questions (FAQs) page for answers to most commonly asked questions on Halalan2025.
Inaanyayahan ang lahat ng mga rehistradong botanteng Pilipino sa Bansang Qatar na makilahok sa makasaysayang pagdaraos ng online voting sa darating na #Halalan2025.
Mag-enroll, mag-test vote, at bumoto — ganyan lang kasimple.
Magsisimula ang enrollment period sa 20 Marso 2025 at magtatagal hanggang 07 Mayo 2025. Subaybayan ang mga susunod na anunsyo sa pahinang ito para sa link sa enrollment portal.
Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Office for Overseas Voting PH.
Inaanyayahan ang lahat ng mga registered Filipino overseas voters sa Bansang Qatar na mag-enroll sa COMELEC portal para makalahok sa makasaysayang online voting sa #Halalan2025.
May tatlong paraan para makapag-enroll: una, self-enrollment gamit ang mobile phone, laptop, o desktop sa ov.comelec.gov.ph/enroll; ikalawa, pagtungo sa enrollment kiosk sa Pasuguan kung mahina ang Internet sa bahay o may technical issues sa mga gadgets; at ikatlo, pagtungo sa alin man sa mga field enrollment activities na gagawin ng Pasuguan sa mga susunod na linggo.
Tandaan, tanging mga registered at enrolled overseas Filipino voters lamang ang maaaring bumoto sa #Halalan2025.
Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa Office for Overseas Voting PH.