DOHA 07 Hunyo 2023 — Itinatakda ng Section 39 ng Republic Act No. 8042, kilala rin bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, ang ika-pito ng Hunyo ng bawat taon bilang Pambansang Araw ng mga Migranteng Manggagawa.
Layunin ng pamahalaan na siguraduhin na ang interes ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong dagat ay hindi nakakaligtaan. Masigasig ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, pati na rin ang Kagawaran ng mga Migranteng Manggagawa, sa pagsulong ng mga karapatan ng mga OFWs saan mang panig sila ng mundo.
For more information, visit dohape.dfa.gov.ph, facebook.com/PHinQatar or instagram.com/phinqatar.