MENU

DOHA 29 Agosto 2024 — Sa nalalapit na pagwawakas ng Buwan ng Wikang Pambansa, nawa’y hindi rin magwawakas ang ating pagmamalaki at pagmamahal sa Wikang Pambansa.

Ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas at Pambansang Komisyon ng Pilipinas para sa UNESCO ay mayroong huling habilin para sa Agosto 2024, sa pamamagitan ng mga katagang isinulat ni Apolinario Mabini sa kanyang Dekalogo. Alam niyo bang si Apolinario Mabini ang unang Kalihim ng Ugnayang Panlabas?

Dekalogo ni Apolinario Mabini


Inaanyayahan ang lahat na pagnilayan ang mga salita ni Apolinario Mabini, ang kamalayan ng ating unang Republika. Maaaring may mapulot tayong aral sa walang kupas na mga salita ni Mabini upang patuloy nating ipaglaban ang kaunlaran at kalayaan sa kabila ng mga panibagong hamon ng modernong panahon.

Muli, Filipino, Wikang Mapagpalaya!

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang dohape.dfa.gov.phfacebook.com/PHinQatar, o instagram.com/phinqatar.