MENU

DOHA 22 Agosto 2024 — Kilalanin si Francisco M. Guinto, Poeta Laureado ng Pampanga, sa pamamagitan ng kanyang mga tula na pinamagatang “Alang Kwenta Ing Katasan” at “Bakit Isumpa Ra Ing Inalal Da Ka?”

Kapampangan Francisco M. Guinto Tungkol sa Makata 1
Bilang background ng mga tula, itinatampok rin ang iba’t ibang nakabibighaning lugar sa Pilipinas. Nakikilala mo ba ang mga makasaysayang gusali na ito? Ang nasa unang larawan ay ang Parokya ng Santiago Apostol o mas kilala bilang Betis Church na unang itinayo noong 1660 at muling binuo noong 1770 dahil sa sunog. Samantalang, ang pangalawang larawan ay ang dating ayuntamiento na ngayon ay ang Museo ning Angeles.

22082024


Hindi pa natatapos dito ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Abangan ang susunod na paskil sa 29 Agosto 2024 para sa isang sorpresang piyesa ng panitikan na nais ibahagi ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas at ng Pambansang Komisyon ng Pilipinas para sa UNESCO.

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa sa lahat!

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang dohape.dfa.gov.phfacebook.com/PHinQatar, o instagram.com/phinqatar.