DOHA 19 Agosto 2024 — Basahin natin ang mga tula ni Erlinda K. Alburo na pinamagatang “Brain Drain sa mga Maestra” at “Ulan sa Panultihon”. Si Dr. Alburo ay isang premyadong iskolar at kilalang tagapagtaguyod ng wikang Cebuano.
Bilang background ng mga tula, itinatampok rin ang iba’t ibang nakabibighaning lugar sa Pilipinas. Nakikilala mo ba ang mga gusali na ito? Ito ang kahanga-hangang Paliparang Pandaigdig ng Mactan-Cebu at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX), ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas. Hinirang ng UNESCO ang Cebu bilang “Creative City of Design”.
Abangan ang susunod na makatang itatampok sa 22 Agosto 2024. Sunod nating mababasa ang mga tula ni Francisco Guinto sa wikang Kapampangan!
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa sa lahat!
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang dohape.dfa.gov.ph, facebook.com/PHinQatar, o instagram.com/phinqatar.