DOHA 15 Agosto 2024 — Si Marne Kilates (1952-2024) ay tanyag na manunulat at tagasalin sa wikang Bikolano. Siya rin ay nagtamo ng parangal sa Gawad Palanca. Kilalanin siya sa pamamagitan ng kanyang mga tula na pinamagatang “Kun Minsan an Paggiromdom Daing Pandok” at “Pampang Kan Sakong Pagkamoot”.
Bilang background ng mga tula, itinatampok rin ang iba’t ibang nakabibighaning lugar sa Pilipinas. Nakikilala mo ba ang perpektong hugis ng bulkan sa larawan? Ito ang sikat na Bulkang Mayon na matatagpuan sa Albay, Bicol!
Abangan ang susunod na makatang itatampok sa ika-19 ng Agosto 2024. Sunod nating mababasa ang mga tula ni Erlinda K. Alburo sa wikang Cebuano!
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa sa lahat!
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang dohape.dfa.gov.ph, facebook.com/PHinQatar, o instagram.com/phinqatar.