MENU

06082024 2


DOHA 03 Agosto 2024 — Kaisa ang Pasuguan ng Pilipinas sa Doha, Qatar, sa pagdiriwang ng buong bansa sa Buwan ng Wikang Pambansa at Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto.


Sa taong 2024, ang Buwan ng Wikang Pambansa ay may temang "Filipino: Wikang Mapagpalaya.” Sinasalamin nito ang napakahalagang gampanin ng wika bilang lunsaran ng pagpapalaya mula sa karahasan sa kaisipan, kamalayan, kahirapan, katayuan, at kamangmangan.
06082024 1''Salaysay ng Bayan, Saysay ng Bansa" naman ang tema ng Buwan ng Kasaysayan na naglalayong itampok ang kahalagahan ng kasaysayang pampook bilang mahalagang salik sa pagbubuo ng pambansang kasaysayan. Kapag inilagay natin ang ating mga sarili sa konteksto ng ating mga pook na tinitirhan, pinag-aaralan, o pinagtatrabahuhan, lalo tayong napapalapit sa ating nakaraan at sa mga aral na nais nitong ituro sa atin.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang dohape.dfa.gov.phfacebook.com/PHinQatar, o instagram.com/phinqatar.