MENU

05062024
DOHA 05 June 2024 — Maligayang No Smoking Month!


Ngayong buwan ng Hunyo, paalala ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH), katuwang ang Pasuguan ng Pilipinas sa Bansang Qatar, huwag manigarilyo, huwag mag-vape.


Sa temang “Protektahan natin ang kabataang Pilipino laban sa panganib ng tabako at vape,” ating hinihikayat ang bawat isa na sama-samang protektahan ang kabataang Pilipino mula sa masamang epekto ng tobacco at vapor products.


Kaisa ang Pasuguan ng Pilipinas sa Bansang Qatar sa pagdiriwang ng National No Smoking Month at sa pangangalaga ng kalusugan ng kabataang Pilipino laban sa mga produktong ito. Itigil ang paggamit ng vape. Tumawag sa toll-free DOH Quitline 1558 para sa karagdagang tulong.


Sa bisyo, walang panalo!


For more information, 
visit dohape.dfa.gov.phfacebook.com/PHinQatar, or instagram.com/phinqatar.